BE HONEST



Be Honest

Honesty is the best policy!
I believe in honesty. Para sa kin, kapag ginawa ko ang isang bagay na may tinatago, hindi ako magiging komportable na gawin ito. Malamang hindi ko na lang gagawin.
Sa negosyo natin, napakaimportante ang pagiging honest. Dahil ang tiwala ng tao ay matagal makuha, pero kayang mawala sa isang minuto lang.
Kung ikaw ang tatanungin, maniniwala ka ba sa isang tao kung may tinatago siya sa iyo?
Halimbawa: kumausap ka ng isang prospect, tinanong niya kung malaki na ba yong kinita mo. 
Pero baguhan ka pa at wala ka pang kita.
Sasabihin mo ba ang totoo?
Kung hindi mo sinabi ang totoo at ang sinabi mo ay "syempre malaki na kita ko".
Komportable ka ba na sabihin kahit alam mo na hindi yon totoo?
Ano ang epekto nito sayo at sa business mo?
Halimbawa nalaman ng prospect mo na baguhan ka pa at isang buwan ka pa lang na member. Magkakaroon kaya siya ng confidence na mag-join sayo kahit nakita niya na maganda yong negosyo?
Hindi na, kasi hindi ka nagsabi ng totoo.

“do unto others, what you want others do unto you”,“in every action, there’s always an equal and opposite reaction”

Kung gusto mong makuha ang tiwala ng prospect mo. Kailangan na maging honest ka palagi!
Alam mo ba... nagjo-join ang isang prospect, hindi dahil sa kompanya, kundi dahil sa tao na kausap niya.
Kung nakikita nila na masaya at confident ka, they will like you. At kapag honest at genuine ka palagi sa ginagawa mo, they will know you and trust you.
And if they know you, like you and trust you, they will join to you.
Sasali lang sila sa taong kilala nila at pinaniniwalaan nila.
Networking is about finding people, making them friends and helping them.
Kung ang pag-iisip mo ay ganito, kung ang intensyon mo ay tumulong, mas magiging magaan ang pagtatrabaho mo.
And every time na may napasali ka, masaya ang kalooban mo kasi may natulungan ka.

“the best way to cheer yourself is by cheering others”“mas masaya kung nakakatulong ka”“learn to give first, before taking your piece.”

That is the Law of Economics and Law of Life.
So, hindi kailangan na magsinungaling, remember we have our dignity, and we want to make a big change.

Kaya maniwala ka lang. At palaging tapat at totoo sa tao.




YOUR FRIEND TO SUCCESS
               Edgar lafoteza

No comments:

Post a Comment